Barangay at SK elections tuloy na sa May 14 sabi ng COMELEC

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Sinabi ng hepe ng Commission on Elections sa Batangas City na si Atty. Grollen Mar Liwag na tuloy na tuloy na ang synchronized barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14 ng taong ito.

Sa panayam sa kanya sa teleradio program na PIO and Lingkod N’yo sa DWAL FM, sinabi ni Liwag na kaillangan muling amyendahan ang batas kung muling ipagpapaliban ang naturang eleksyon. Matatandaang dalawang beses na napo postponed ang eleksyon noong Oktubre 2016 at Oktubre 2017.

Sinabi pa niya na ayon sa batas ay isasagawa ang barangay election kada limang taon, kung saan ang mga barangay at SK officials ay may five-year single term sa panunungkulan.

Magiging manual ang eleksyong ito dahil hindi kakayanin ng COMELEC na makapag print ng iba’t iba at maraming sets ng balota. Huwag din aniyang malilito ang publiko na 2017 ang nakalagay sa mga balota dahil ang mga ito ay naimprinta at inihanda para sa hindi natuloy na eleksyon noong nakaraang taon.

Ayon sa schedule ng COMELEC, simula April 14 hanggang 20 ang filing ng certificate of candidacy at magsisimula ang campaign period sa April 14 hanggang May 21, 2018.

Maaring kumandidato na barangay officials ang may edad na 18 taong gulang at pataas habang ang mga gustong tumakbo bilang SK officials ay dapat edad 18 taong gulang hanggang 24. Ang mga ito ay dapat rehistradong botante ng kanilang barangay at walang kamag-anak hanggang 2nd degree sa mga incumbent elected official sa lokalidad.

Maaring bomoto sa SK election ang mga rehistradong kabataan na may edad 15 hanggang 30 taong gulang.

Ipinaalaala rin ni Atty. Liwag na sa mga nagbabalak kumandidato na maging maingat sa paggastos at gumugol lamang ng hanggang sa pinapayagan ng batas. “Marami na po tayong na sampolan na mga opisyal na nag over spent sa kanilang political campaign,” dagdag pa ni Liwag.

Paalala rin niya na hindi dapat maging sanhi ng pagkakahati hati ng mga taga barangay ang nalalapit na eleksyon at hiling niya na pagkatapos ng eleksyon ay balik agad sa pagkakaisa at pagtutulungan ang mga ito. (PIO Batangas City)