Sundalong nasugatan sa gera sa Marawi tinulungan ng city gov’t. sa kanyang pagpapagamot

  1.jpg 2.jpg

BATANGAS CITY- Isang sundalong taga Batangas City, na malubhang nasugatan sa Marawi City siege noong isang taon ang binigyan ng financial assistance ng pamahalaang lungsod upang makatulong sa mahaba niyang gamutan.

Ang sundalo na kinilalang si “Rolly”, hindi tunay na pangalan para sa kanyang seguridad, ay 28 taong gulang, may asawa at anak.

Si Rolly ay pinagkalooban ng halagang P50, 000 sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.

Ayon kay “Rolly”, ang grupo nila ang nag se search ng mga bomba at mga granadang iniwan ng mga Maute terrorists subalit sa kasamaan palad ay tinamaan siya ng isang sniper. Nagtamo siya ng anim na bala sa hita at tiyan.

Naikwento niya na kasama siya sa heroes’ welcome ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa hapunan kasama ang pangulo sa Malacanang noong November 21, 2017.

Pinasalamatan niya si Mayor Beverly Dimacuha sa financial assistance na ipinagkaloob sa kaniya na aniya ay malaking tulong sa kanyang pagpapagamot.

Sinabi rin niya na patuloy siyang maglilingkod bilang sundalo kahit buhay pa niya ang kapalit. (PIO Batangas City)