Dental services sa mga public schools dadalhin sa pagdiriwang ng National Dental Health Month

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagpupunta ngayon ang Dental Division ng City Health Office sa mga public elementary schools dala ang kanilang dental bus tatlong beses sa isang lingo upang magbigay ng kanilang serbisyo kaugnay ng pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong Pebrero.

Mga grade one students ang binibgyan ng libreng pit-and- fissure sealant habang ang mga day care children naman ay binibigyan ng libreng fluoride. Binibigyan din ang mga bata ng lecture hinggil sa oral health care.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Ngipin ay alagaan mula sa sinapupunan para sa magandang ngiti hanggang katandaan”. (PIO Batangas City)