Annual general assembly ng mga corn growers isinagawa

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Idinaos ngayong ika-9 ng Pebrero sa OCVAS Research Training Center ang 14th Annual General Assembly ng Batangas City Corn Growers Association Inc na dating Batangas City Yellow Corn Growers Association Inc (BCGA). Ang naturang samahan ang katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng Yellow Corn Sufficiency Program nito.

Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha na kinatawan ni Executive Assistant Vanessa Palas, sinabi niya na ipagpapatuloy niya ang pagbibigay ng suporta sa nasabing samahan upang mas lalong mapalakas at magtagal ito. Nagpaabot din ng pagbati si Congressman Marvey Marino na kinatawan ni Brix Gasco.

Binigyang diin ng Head ng Livestock Section –Operations Division ng Department of Agriculture, Region IVA Antonio Zara na si dating Mayor Eduardo Dimacuha ang nagpasimula ng Yellow Corn Sufficiency Program noong 2002. Ang Batangas City lamang aniya ang local government unit (LGU) na may ganitong klaseng programa. Natutuwa siya na makitang ang adhikain ni Dimacuha ay nagkaroon ng katuparan.

Mula sa 43 myembro, may 314 myembro na sila sa kasalukuyan.

Ayon kay Victor Arellano, Pangulo ng BCCGA, malaki ang pasasalamat nila sa suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lulngsod.

Bukod sa libreng binhi at libreng paggamit ng traktora, corn sheller at corn drier, malaking bagay aniya ang mga libreng training at seminar na ipinagkaloob sa kanila upang mas lalong mapaunlad ang kanilang maisan. Bukod sa feeds, ang mga busil ay ginagawa na din nilang charcoal at cork board. Dahilan sa mga kagalingang ito ng pagmamaisan, napagtapos niya ang tatlo sa kanyang apat na mga anak ng dahil sa hanapbuhay na ito.

Pinayuhan naman ni Asst City Veterinarian Dr Loyola Bagui ang mga corn growers na turuan at hikayatin ang mga anak at apo ng mga ito upang maipagpatuloy ang pagmamais. (PIO Batangas City)