Samahan ng mga kababaihan papalakasin bilang community leaders

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Higit na pinalalakas ni Mayor Beverley Dimacuha ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) sa lungsod ng Batangas upang maiangat ang kakayahan ng mga kababaihang lider, makapagbuo ng mas kapakipakinabang na proyekto at makatuwang ng pamahalan sa pagpapa unlad ng lungsod.

Kaugnay nito ay nagkaroon ng cluster meeting ang KALIPI sa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Planning and Development Office (CPDO), Office of the Association of the Barangay Chairmen (ABC), Mayor’s Action Center (MAC) at iba pa para sa mas malayang pagtalakay sa mga isyu at mabilis na pagpapaliwanag sa mga nakalinyang gawain at mga proyekto. Kabilang dito ay ang census o profiling para sa mga aktibong kasapi ng KALIPI sa bawat barangay, ang pagdalo sa mga regular na pagpupulong at pangangasiwa ng paunang pondo o seed money na ipinagkaloob ni Mayor Dimacuha sa bawat cluster para gamitin sa anumang proyekto ng isang cluster.

Ayon kay Pangulong Mavel Santos ng ABC, inaasahang mapapalago ng cluster ang naturang pondo at makakatulong ito sa kanilang mga pangangailangan. “Ang seed money po, tulad ng butong pananim, na dapat ay palalaguin at iingatan para hindi makain ng kwitib, kung kaya’t ito pong seed money ay sisikaping mapalaki pa para may magagamit ang cluster sa inyong mga gastusin”, sabi ni Pangulong Mavel. Nagtalaga ang grupo ng cluster coordinator at ingat yaman.

May 91 aktibong KALIPI sa Batangas City na bumubuo sa 10 clusters. (PIO Batangas City)