PTA officer’s itinalagang rover scouts

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Mahigit na 600 na Parent Teachers Association officers ang itinalaga bilang rover scouts sa isinagawang investiture ceremony ng Boy Souts of the Philippiines, Batangas City Council sa Batangas City Convention Center nitong November 10.

Ayon kay City Schools Division Superintendent Donato Bueno, ang Batangas City ang kauna-unahang nag karoon ng ganitong pagtatalaga ng mga magulang bilang rover scouts. “Ako po ay naniniwala na sa pamamagitan nito ay lalo pang mapapaunland ang boys scouting dito sa ating lungsod. Naniniwala po ako sa kabutihang idudulot nito sa ating mga anak,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Mayor Beverley Dimacuha, malaking bagay na ang mga PTA officers ay maging miyembro ng scouting dahil masisigurong magiging ehemplo sila ng isang maunlad na pamayanan na may disiplina, pagmamahal at pagkakaisa. Palagi aniyang naririnig niya sa kanyang ina na si Mayor Vilma Dimacuha ang katagang “Kaya kaya basta sama-sama”. “Ipinaliwanag po niya sa akin na kailangan magkaisa ang bayan at pamahalaan upang maging matagumpay ang mamayan. Mula naman po sa aking ama na si Mayor Eddie Dimacuha narinig ko ang paniniwala na dapat magkaroon ng disiplina ang bawat isang mamayan na may pag respeto sa kapwa at pagmamahal sa bayan para sa mga susunod na henerasyon.”

Ayon naman kay Jose Rizal Pangilinan, regional director ng World Scout Bureau- Asia Pacific, natutuwa siya dahil aktibo ang world scouting movement dito sa lungsod. May 40 milyong scout members sa buong mundo at 30 milyon dito ang nasa Asia Pacific Region. Sinabi niya na tatlong bagay lamang ang dapat tandaan sa investiture ceremony at ito ay ang thanks giving, inspiration at celebration.

Pinangunahan ni Konsehal Serge Atienza ang Scout Oath; ang The Charge ni Manolo Perlada, executive assistant, City Mayor’s Office; Rover Prayer ni Ester Panaligan, council training commissioner, at ang pag papaliwanag ng simbolo ng Thumb Stick na ginampan ni Rover Scout Tony Velasquez.

Nakiisa sa nasabing okasyon sina Board Members Claudette Ambida at Bart Blanco, Councilors Aileen Montalbo, Glen Aldover, Assistant City Schools Superintendent Rina Silva, PTA Federation President Leo Javier, BSP Board Member Joenald Rayos, scout leaders at mga ninong at ninang. (PIO Batangas City)