City government naghanda sa Tropical Depression “Salome”

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Bumuo ang city government ng Incident Management Team sa pamumuno ng hepe ng Batangas City PNP na si Pol. Supt. Wildemar Tan Tiu bilang paghahanda sa Tropical Depression Salome na nasa Storm Signal no. 1 sa Batangas City. Ang command post ay sa City Hall.

Ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office(CDRRMO) sa pagpupulong ng mga ahensyang kabilang sa ICS, critical ang mga oras mamaya mula 11:00pm hanggang 1:00 am kung saan pwedeng lumakas ang ulan na pwedeng magdulot ng pagbaha.

Upang agad maproteksyunan ang mga apektadong residente, magsasagawa ng preemptive evacuation sa flood-prone areas kagaya ng tubigan sa access road sa Barangay 21, sa Bolbok partikular sa likod ng barangay hall at sa Sta. Rita Karsada.

Ayon sa CSWDO, may handing stock ng bigas, noodles at canned goods habang sinegurado naman ng City Health Office na may mga gamot na available. Ang General Services Department ay handa na rin sa mga sasakyan at iba pang logistics. Ipinabatid naman ng Philippine Coast Guard na kanselado na ang biyahe sa Batangas Port kaninang 9:00 ng umaga. May 705 stranded passengers ngayon sa port, at nakadaong ang may walong vessels, isang motor banca at 102 rolling cargoes. Wala namang napaulat na maritime incident.

Ngayong 5:00 pm idedeklara kung walang pasok bukas sa Batangas City base sa update sa bagyo. (PIO Batangas City)