Natatanging boy scouts ng lungsod pinarangalan

  kabscout1.jpg kabscout2.jpg

BATANGAS CITY- Binigyang ng certificate of recognition ng pamahalaang lungsod ang pagkapanalo bilang kampeon sa ikalawang taon ng Batangas City Kab Scout, Boy Scout of the Philippines Batangas City Council sa Kab Palabas sa Kawan Holiday 2017 sa Region 4 na ginanap sa Mt. Makiling Los Banos Laguna.

Ang mga nanalo ay 48 grades 1-3 student kab scouts ng Wawa Elementary School kung saan lumahok dito ang mahigit na 6,000 mag-aaral mula sa ibat-ibang distrito at pribadong paaralan.

Layunin ng nabanggit na kompetisyon na madevelop ang pakikipagkapwa ng mga boy scouts, maipakita ang kanilang angking galing at talento at humirang ng natatanging Kab Scout na syang magiging ehemplo ng mga kabataan.

Ang tema sa taong ito ay “Pagsulong ng Kawan Tungo sa Minimithing Kaunlaran at Kapayapaan”.

Pinarangalan din si Matt Jayrus Evangelista ng Tibig elementary school sa kanyang pagkapanalo ng ika-apat na pwesto sa Regional Search for That’s My Cab 2017. (PIO Batangas City)