Tulong Dunong program ipinaliwanag sa orientation ng mga scholars

  tulongdunongprogram1.jpg tulongdunongprogram2.jpg tulongdunongprogram3.jpg

Nagsagawa ng orientation ang tanggapan ni Congressman Marvey Mariño sa may 666 Tulong Dunong scholars ng Batangas State University (BSU) kaninang umaga sa Batangas City Sports Coliseum. Dito ay ipinaliwanag ang mga alituntunin at ang iba pang requirements ng scholarship program na ito ng Commission on Higher Education (CHED) na ipinatutupad sa Batangas City sa pamamagitan ni Cong. Mariño.

Ang bawat isang iskolar ay tatanggap ng P6,000.00 sa bawat semester na deretsong ibabawas ng BSU sa miscellaneous fee dahil libre dito ang tuition fee ng mga mag-aaral. Sakaling may labis pa sa P6,000.00, ito ay pwede i-refund o kunin ng mga estudyante.

Bukod sa mga-aaral ng BSU, may 432 pang iskolar ng Tulong Dunong mula sa iba’t ibang pribadong paaralan at unibersidad sa Batangas City, mga karatig bayan at sa Maynila na tumatanggap ng kaparehong scholarship grant. (PIO Batangas City)