Startoll-Pinamucan Access Road sinisimulan na

  startoll1.jpg startoll2.jpg startoll3.jpg startoll4.jpg

Sinisimulan na ang konstruksyon ng Startoll to Pinamucan Access Road na isa sa mga priority projects ni Congressman Marvey Mariño sa Batangas City sa pakikipag ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) habang ang pamahalaang lungsod naman ang naglaan ng pondo para sa right-of-way.

Inumpisahan na dito ang konstruksyon ng tulay sa may Tinga Itaas, kung saan naglaan ng may P150M initial budget. Ang tulay ay dudugtong sa gagawing karsada mula Tingga hanggang Sampaga na siyang uunahin upang madaanan agad ito habang ginagawa pa ang ilang bahagi ng proyekto.

Ayon sa DPWH Batangas 2nd District inaasahang matatapos ng mas mabilis ang proyekto kumpara sa target year na 2021, dahil patuloy ang koordinasyon ni Cong. Mariño sa ibang pang ahensya para madagdagan pa budget.

Nasa 1st phase na rin ang konstruksyon ang Batangas City Public Library and Information Center na isa pang partnership project nina Cong. Mariño at Mayor Beverley Dimacuha.

Ang pondo para sa konstruksyon ng gusali at mula pa rin sa DPWH samantalang ang mga gamit dito ay ipagkakaloob ng pamahalaang lungsod. Ang rehabilitation center na tatawaging Life Transformation Sanctuary sa brgy. Cumba ay nakatakdang umpisahan ngayong buwang ito. Nakipag ugnayan si Cong. Mariño sa DPWH para sa construction funds at naglaan naman ng pondo si Mayor Dimacuha para sa pasilidad nito.

Ilan pa rin sa mga sa mga ginagawa at isasagawang infrastructure projects sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Cong. Mariño sa DPWH ay ang construction ng may 250 meters na Calumpang dike sa may bahagi ng brgy Pallocan West. Ayon sa DPWH posibleng ma-extend pa ang haba nito dahil sa patuloy na pangangalap ni si Cong. Mariño ng pondo; road widening project with canals mula Pallocan East hanggang boundary ng bayan ng Taysan; road widening mula Batangas City (Lawas) hanggang Sta Rita at sisimulan na ang road widening sa may brgy. Banaba West.

Inaasahan namang matapos sa susunod na taon ang asphalt over-laying at road widening with covered canal ng buong kahabaan ng Batangas Manila Road to Concepcion at ang widening ng Kalansayan Bridge sa brgy. Balagtas.

Sa pakikipag ugnayan pa rin ni Cong. Mariño sa DPWH ilang barangay roads sa lungsod ang nakatakdang ipaayos sa 2018. (PIO Batangas City)