District 8 Elementary School Nagwagi sa Mini Band Competition

  miniband1.jpg miniband2.jpg miniband3.jpg miniband4.jpg miniband5.jpg

BATANGAS CITY-Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 48th founding anniversary ng Dep;artment of Education, Batangas City, nagdaos ito ng isang Mini Band Competition sa Batangas Coliseum Grounds.

Sinabi ni OIC City Schools Superintendent Rina Silva na hindi lamang sa academic aspect hinuhubog ang mga estudyante kundi sa kanilang talento upang maging kapakipakinabang ang kanilang gawain hindi lamang sa paaralan kundi sa komunidad. Ang pagpili ng mga winners ay base sa kanilang galing sa pagtugtog ng drums at lyre, pagkumpas ng batoon, ganda ng piyesa na tutugtugin, maayos na kasuotan, overall impact, at mayroong 8-12 minutong time limit kasama na ang entrance at exit.

Naging kampeon ang District 8 na binubuo ng Sta. Rita Karsada ES,, Banaba East ES, South ES, West ES, Bolbok ES at Sta. Rita Aplaya ES. Nahirang namang 2nd runner up ang Sta Clara Elementary School at 1st runner up ang Alangilan Central Elementary School.

Naging hurado sina Nesto Alon, ALS supervisor; Susan Panganiban, educational program supervisor for Mathematics, at Generiego Javier, educational program supervisor, LRES. (PIO Batangas City)