PESO job fair. 33 ang hired on the spot

  jobfair1.jpg jobfair2.jpg jobfair3.jpg jobfair4.jpg jobfair5.jpg

Iniulat ni PESO Manager Noel Silang na 33 ang hired on the spot sa may 1,038 aplikante na dumagsa sa Independence Day job fair ng pamahalaang lungsod noong June 17 sa Batangas City Sports Coliseum kung saan may 31 local at 11 international companies ang lumahok.

Ayon kay Julius Moteza, recruitment officer ng kompanyang DLB International, prayoridad nila ang mga aplikanteng Batangueno kahit wala pang sapat na karanasan dahil sa angking sipag ng mga ito.

Sinabi naman ni Jerry Silaynon ng Parman, isang recruitment agency na nagpapadala ng mga skilled workers sa abroad, bagamat ito aniya ang unang pagkakataon nila na makalahok sa job fair ng lungsod, may naiskedyul silang 250 aplikante for interview. Muli aniya silang lalahok sa mga susunod na job fair na itataguyod ng Batangas City sapagkat nakita nila kung gaano ito ka-organisado.

Pinuri din ni Lovella Alday ng EPSON na may 29 na na-hired on the spot na production operators ang nasabing job fair dahil sa maayos na venue kung kayat komportable aniya ang mga employer at mga aplikante. “Masasabi kong ang activity na ito ay “much endorsed” kung kayat maraming aplikante ang dumating”, ani Alday. (PIO Batangas City)