2017 youth chess championships ng Pilipinas Shell nagsimula na

  youthchess1.jpg youthchess2.jpg youthchess3.jpg youthchess4.jpg youthchess5.jpg

Humigit kumulang sa 400 kabataan ang lumahok sa 2017 Shell National Youth Active Chess Championships (SNYACC) na isinagawa noong ika-17 at 18 ng Hunyo sa SM City Batangas.

Ito ang kick off ng SNYACC at ang Batangas ang Southern leg ng regional eliminations. Ang 2nd leg naman ay gaganapin sa National Capital Region sa July 8-9 sa SM Mall of Asia at sa Cagayan De Oro naman ang ikatlong leg sa August 12-13 para sa mga participants ng Northern Mindanao; Ang Davao City ang maghohost ng 4th elimination sa September 2-3 para sa Southern Mindanao stage habang ang last leg o Visayas qualifying leg ay gaganapin sa Cebu sa September 16-17.

Ito ang ika-25 taong pagsasagawa ng Pilipinas Shell ng nationwide event na ito na isang patuloy na paghahanap ng mga chess talents sa bansa sa paniniwalang ang kabataang Filipino ay may kakayahang mag excel at maging competitive sa pamamagitan ng global mental sport.

Ang naturang chess competition ay nagbunga na ng ilang mga international masters at grandmasters kagaya nina Mark Paragua, Nelson Mariano II at Wesley So na minsan ay namuno sa juniors division ng two-category tournament bilang kiddies entry.

Nakatakdang ganapin ang grand finals sa SM MOA sa October 7-8 kung saan pipili ng top two placers sa kiddies (7-12 yrs old) division, juniors (13-16 yrs old) at ang seniors (17-20 yrs old).

Tatanggap ng trophy at cash prize ang mga magwawagi at ang karangalan na maging kinatawan ng Pilipinas sa mga chess tournament sa ibang bansa.

Ang ceremonial moves ay ginampanan nina Shell’s External Relations Manager for Batangas Darlito Guamos at ni Vanessa Palas, kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha.

Ipinaabot ni Dimacuha ang kanyang pagbati sa mga kalahok at binigyang diin ang kahalagahan ng sportsmanship. (PIO Batangas City)