Paglilinis ng mga kanal binisita nina Cong. Marino at Mayor Dimacuha

  cleaninggutter1.jpg cleaninggutter2.jpg cleaninggutter3.jpg cleaninggutter4.jpg cleaninggutter5.jpg cleaninggutter6.jpg cleaninggutter7.jpg cleaninggutter8.jpg cleaninggutter9.jpg

BATANGAS CITY- Binisita nina Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Rose Dimacuha ang isinasagawang paglilinis sa mga kanal sa De las Alas Drive ng Special Operations Team(SPOT) bilang paghahanda sa pagpasok ng tag-ulan upang maiwasan ang pagbaha.

Ang SPOT na binuo ni Mayor Beverley upang agarang tumulong sa mga cleaning at clearing operations sa panahon ng tag-ulan at kalamidad ay binubuo ng mga tauhan ng City Engineer’s Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, General Services Department, Public Services and Maintenance Unit at Office of the City Veterinary and Agricultural Services.

Nagsagawa rin ang team ng trimming ng mga punong kahoy sa paligid ng Colegio ng Lungsod ng Batangas at Sports Coliseum at bundling ng mga electric at telephone wires upang huwag magdulot ng disgrasya sa panahon ng kalamidad.

Ang nasabing operasyon ay pinangangasiwaan ni Engr. Lucy Castillo, hepe ng Maintenance Division ng CEO.(PIO Batangas City)