BatStateU teachers ,students at alumni nagpagalingan sa technological innovation

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Ipinakita ng Batangas State University(BSU) kung ano ang nagagawa ng innovation at technology sa pagpapalago ng negosyo at hanapbuhay sa pamamagitan ng pagsasagawa sa unang pagkakataon ng Technovation Summit at Demo Day noong May 8 .

Isinagawa dito ang isang kumpetisyon na nilahukan ng 76 na grupo ng mga guro, estudyante at alumni ng BSU kung saan sila ay nagpresenta ng kani kanilang proyekto na nagpapakita ng kanilang technological innovation.

Ayon kay Engr. Albertson Amante, VP for Research Development and Extension Services at Head ng BatStateU Center for Technopreneurship and Innovation, ang Technovation ay isang “incubation program” na naglalayong maturuan ang mga mag-aaral na maging mahuhusay na empleyado, matulungan silang makapag simula ng kanilang negosyo at maging epektibong employers. Layunin din nito na maturuan ang mga mag-aaral na maging innovative, mapaunlad ang kakayahan sa pagsasalita at pakikipag-ugnayan at matutong magtrabaho bilang isang grupo.

Mula sa 76 na grupo ay pumili ng 20 hanggang walong pinakamahuhusay na grupo. Ang bawat grupo na may dalawa hanggang limang miyembro ay nagpresenta ng kanilang planong proyekto o inobasyon. “Ito ay problem- based approach level and with their skills,resouces and team, they come up with the solutions to the problem”, sabi ni Engr. Amante.

Idinepensa ng grupo ang kanilang proyekto sa harap ng panel na binubuo ng mga kinatawan ng partner agencies ng BatStateU kagaya ng UP Enterprises, Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)-Batangas, Analog Devices, Department Of Science and Technology (DOST) Batangas.

Napili ng panel ang grupo na nagpresenta ng BuyONG, Green Eye at SUREbin na computer application at on-line shopping. Ang mga ito ay tumanggap ng P250,000.00 bawat isa, na gagamiting pondo sa pagpapatuloy ng proyekto.

Ayon kay Engr. Amante ipagpapatuloy ng BatStateU ang pagbibigay ng technical knowledge and assistance sa tatlong grupo upang maisiguro ang tagumpay ng kanilang proyekto/negosyo. (PIO Batangas City)