Project Smiles magbibigay ng libreng operasyon sa mga may cleft lip at cleft palate

  operationsmile1.jpg operationsmile2.jpg operationsmile3.jpg operationsmile4.jpg operationsmile5.jpg operationsmile6.jpg operationsmile7.jpg operationsmile8.jpg

BATANGAS CITY- Para sa mga mahihirap na may cleft lip(bingot), cleft palate (ngongo) at iba pang facial deformities sa ibat-ibang bahagi ng mundo, ang Project Smiles na nagkakaloob sa kanila ng libreng operasyon ay isang biyayang hulog ng langit na nagbibigay ng ngiti sa kanilang mga labi. Hangad ng surgical mission na ito na mabigyan ng pagkakataon na mabago ang buhay at magkaroon ng normal na pamumuhay ang mga taong may ganitong kondisyon.

“Since 1982, Operation Smile has conducted medical programs in 73 cities across the Philippines. Operation Smile's global volunteer network includes more than 220 medical professionals and non-medical volunteers who donate their time in the Philippines and around the world. Over the last 33 years, Operation Smile has provided free reconstructive surgery to more than 26,400 patients and dental care to more than 5,100 patients in the Philippines to patients with cleft lip, cleft palate and other facial deformities.”

Ang screening para sa mga beneficiaries sa lungsod ay ginanap sa Jesus of Nazareth Hospital ngayong May 3 habang ang operasyon naman ay isasagawa sa May 4-6. May limang volunteer plastic surgeons mula sa Maynila ang magsasagawa ng operasyon sa may 100 beneficiaries. Bukod sa libreng operasyon, bibigyan din sila ng libreng gamot at post operation check- up habang tuturuan naman ang mga magulang ng proper feeding techniques.

Ang libreng operasyon ay sa pakikipagtulungan sa Batangas Rifle and Pistol Group (BRPG) na pinamumunuan ni Mr. Leonilo Macatangay. Taun-taon aniya ay nagsasagawa sila ng community service at sa kanyang termino, ang naturang proyekto ang napili niya sapagkat malaking halaga ang matitipid ng mga pasyente dito.

Kaya’t lubos ang pasasalamat nila sa pamahalaang lungsod ng Batangas sa suportang ipinagkaloob nito upang maging matagumpay ang kauna-unahang Operation Smile sa Batangas City.

Ayon kay Dr Laurence Loh, isang plastic surgeon at dating Medical Director ng Project Smile Philippines, may ilang libong beses na siyang nakapagsagawa ng operasyon at napaka-fulfilling na makatulong sa mga nangangailangan. “It is really life changing”, sabi ni Loh.

Idinagdag pa niya na ang Pilipinas ang may highest incident ng cleft lip at cleft palate sa mundo at ito ay karaniwang matatagpuan sa mga mahihirap dahil sa poor nutrition at genetics. One in every 500 live births o 2.3% ng birth rate o 4,000 new kids per year ang may cleft lip o cleft palate, ayon pa rin kay Loh .

Ayon naman sa tala, kada tatlong minuto ay may ipinanganganak na ganitong kondisyon na itinuturing na isa sa top 2 congenital problems kung saan ang nangunguna ay club foot. (PIO Batangas City)