Mga nakumpiskang tambutso na maingay sa kalye winasak ng Batangas City Police

  muffler1.jpg muffler2.jpg muffler3.jpg muffler4.jpg muffler5.jpg muffler6.jpg muffler7.jpg

May 155 open at modified mufflers o tambutso ng motor na nakumpiska ng kapulisan sa mga checkpoints at Oplan Sita and winasak ng Batangas City Police sa harap ng kanilang headquarters sa pamamagitan ng pagpapagulong sa pison bilang bahagi ng “one-time- big time” campaign laban sa kriminalidad at paglabag sa batas.

Ipinagbabawal ng RA 4136 o Land Transportation Office Law at Batangas City Traffic Ordinance ang paggamit ng open o modified muffler sa kahit anumang uri ng sasakyan dahil ito ay nakakapag dulot ng sobrang ingay sa kalye at maari ring magdulot ng aksidente dahil ito ay nagiging distraction.

Ayon kay Batangas City Police Chief, Barnard Dasugo, ang mga winasak na tambutso ay ipagbibili sa mga junk shops kung saan ang mapagbibilhan dito ay gagamiting pandagdag na pondo sa Balik-Eskwela Project ng Batangas City PNP.

Kaugnay pa rin ng “one-time big-time’ campaign ngayong araw na ito ay nag serve ng search warrant sa mga wanted persons, nagkaroon operasyon laban sa iligal na droga, mas mahigpit na implementasyon ng check points at Oplan Sita.

Ang mas mahigpit na kampanyang ito ay sabay sabay na isinigawa ng mga tauhan ng pulisya sa lahat ng bayan at lungsod sa buong lalawigan ng Batangas (PIO Batangas City)