Pagpapasta ng ngipin ng mga bata gagawin sa Dental Health Bus ng CHO

  dental1.jpg dental2.jpg dental3.jpg dental4.jpg dental5.jpg dental6.jpg dental7.jpg

Nagsasagawa ngayon ng pits and fissure sealant application o pagpapasta ang Dental Division ng City Health Office (CHO) sa mga batang edad anim hanggang pitong taong gulang upang mapababa ang porsyento ng mga batang may dental cavities o bulok na ngipin at ma promote ang oral health care sa mga ito.

Ang serbisyong ito ay nauna ng ipinagkaloob sa mga grade 1 students sa mga public schools at sa pagkakataong ito, mga anak naman ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ang kanilang bibigyan ng ganitong serbisyong.

Ito ay isinasagawa sa Dental Health Bus na ipinagkaloob ng Department of Health sa CHO noong nakaraang taon. May 30 bata kada araw ang bibigyan nila ng naturang serbisyo. Bago umakyat sa bus, binibigyan muna ng lecture ang mga bata hinggil sa basic oral hygiene. Mayroon ding toothbrush at toothpaste bilang giveaways.

Ayon kay Marivic Fortu ng City Assessor’s Office, na ang isang anak ay sumailalim ng treatment na ito, “napakaganda ng proyektong ito ng CHO sapagkat nabibigyan ng pagkakataon ang aming mga anak na maka-experience nito.” Natuwa at excited naman ang mga bata sa kanilang naging karanasan.

May 12 dentista at 14 na dental aides ang CHO na nagsasagawa ng nasabing treatment hanggang Hunyo. (PIO Batangas City)