5th Batangas Provincial Urban Fire Olympics Idinaos

  urbanfire1.jpg urbanfire2.jpg urbanfire3.jpg urbanfire4.jpg urbanfire5.jpg

BATANGAS CITY- Bilang bahagi ng Fire Protection ngayon Marso isang Fire Olympics ang isinagawa ng Provincial Bureau of Fire Protection na umabot sa mahigit na 200 ang lumahok.

Kaugnay ng pagdiriwang nagpakita ng ibat-ibang kakayahan sa Fire Prevention ang mga grupo na lumahok sa isinagawang 5th Batangas Provincial Urban Fire Olympics (Fire fighting Olympics) ng Region 4A na isinagawa noong March 21 sa Batangas Provincial Sports Complex.

Sa mensahe ipinaabot ni SINSP Glenn Zalazar, CFM Batangas City, malaking tulong ang ganitong activity upang madagdagan ang kaalaman at mapag ibayo ang kakayahan hindi lamang ang mga bumbero kundi maging ang mga volunteers sa pagresponde sakaling magkaroon ng sunog.

Ibat ibang activities ang kanilang paglalabanan tulad ng Hose Laying & Replacement of Busted Hose, Bucket Relay at Flammable Liquid Fire Extinguishment Barangay Fire Brigade Category. Sa Industrial Fire Brigade naman ay ang Rescue & Transfer Relay, Combination of Busted Hose and Up-the Ladder at Fire Extinguishment at ang pag pili ng Muse sa Barangay, Industrial at BFP Category.

Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod; Industrial Category , Over-all champion ang Puyat Steel Corporation Municipality of Rosario, 1st ang CADPI Fire Brigade Municipality of Nasugbo, 2nd ang SM Batangas City. Para naman sa kategoryang ng Barangay Fire Brigade, Over-all champion ang Laurel Poblacion Brigade, 1st ang Malvar Fire Brigade at 2nd ang BONLIW Disaster Control Brigade. Ang napiling Ms. UFO 2017 ay sina Divina Aldover ng SM Batangas Industrial Category, Edielyn Pineza ng Lian Barangay Category, atF01 Fritzi Reyes BFP-Category.

Labis naman ang pasasalamat ng SSUPT Sergio M. Soriano Jr. Regional Director, BFP-R4A sa pakikiisa at suporta ng lahat ng BFP Reg. 4A Calabarzon sa isinagawang Urban Fire Olympics.

Samantala naging Guest of Honor at Speaker ay si Governor Hermilando Mandanas sa nasabing pag diriwang. (PIO Batangas City)