Samahan ng mga kababaihan palalakasin pa

  kalipi1.jpg kalipi10.jpg kalipi11.jpg kalipi12.jpg kalipi2.jpg kalipi3.jpg kalipi4.jpg kalipi5.jpg kalipi6.jpg kalipi7.jpg kalipi8.jpg kalipi9.jpg

Sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na nais niyang mapalakas pa ang samahan ng mga kababaihan sa lungsod sapagkat naniniwala siya sa kakayahan ng mga ito na higit pang makapaglingkod sa kapakanan ng kanilang pamilya at komunidad. Si Mayor Beverley ay naging panauhin sa oath-taking ng mga bagong halal na opisyal ng Pederasyon ng Kalipunan ng Liping Pilipina(KALIPI) sa Batangas City.

“Magkakaroon ng “make-over” o magagandang pagbabago ang KALIPI Federation kung saan palalakasin ang “cluster approach system,” sabi ng Mayor.

Ayon kay Mayor Dimacuha, gagawa ng updated data bank na magbibigay ng tunay na kalagayan at larawan ng mga kababaihan sa isang cluster ng mga barangay at magbubuo din ng cluster profile upang makapagpatupad ng tiyak at tugmang proyekto at maidulog naman sa kaukulang ahensya para magbigyan ng pondo.

Sa kasalukuyan ay may 10 clusters ng KALIPI sa lungsod. “Iwawaglit po natin ang, kanya-kanya, sa halip po ay pagdadamayan, malasakit at pagtutulungan ang ating gagawin,” ayon pa rin kay Mayor Dimacuha.

Nanumpa sa katungkulan ang presidente ng pederasyon na si Lorna Palo ng barangay Sta. Clara at mga pangulo ng 95 na barangay KALIPI.

Ayon kay CSWD Officer Mila Española, sa pamamagitan ng mga programa para sa mga kababaihan na pinapangasiwaan ng kanilang tanggapan, patuloy na pinauunlad ang talino at kakayahan ng mga kababaihan. Pinalalakas rin aniya ang one-barangay- one product, kung saan magkakaron ng product display ng KALIPI sa pagdiriwang ng Women’s Day ng DSWD Region 1V-A sa susunod na linggo sa Alabang, Muntinlupa.(PIO Batangas City)