Graduation ng mga day care students nagsisimula na

  Daycare1.jpg Daycare2.jpg Daycare3.jpg Daycare4.jpg

BATANGAS CITY-Sinimulan na ngayong araw na ito ang taunang Araw ng Pagkilala sa mga Batang Day Care sa lungsod na nasa ika-43 taon na at may temang “Karapatan ng Bawat Batang Batangueño ang Makatapos ng Pag-aaral Tungo sa Magandang Kinabukasan”.

Kabilang sa unang batch na kinilala ngayong araw na ito sa Convention Center ang 282 day care children mula sa 12 day care centers mula sa mga baybaying barangay o Solid Baybay at ang may 450 mula sa Sta. Clara at EBD day care centers. Kasama ng mga mag-aaral na tumanggap ng sertipiko ng pagkilala ang kanilang mga magulang.

Ang sertipiko ay iginawad nina City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Mila Espanola at ilang kawani ng tanggapan, kasama ang mga barangay officials.

Dalawang batches ng mga day care students ang kinikilala sa bawat araw kung saan ang bawat batch ay binubuo ng cluster ng mga barangay kung saan ang recognition ay tatagal hanggang March 22. May 4,723 mag-aaral sa 108 day care centers sa lungsod. (PIO Batangas City)