Estudyante ng CLB, 3rd runner-up sa A-BEST National Quiz Bee

  CLB.jpg

BATANGAS CITY- Isang 2nd year Bachelor of Science in Business Administration student ng Colegio ng Lungsod ng Batangas ang nanalo bilang 3rd runner-up sa Regional 2017 Alliance for Business Educator and Students (A-BEST) National Quiz Bee na ginanap sa BBCCC Cooperative St., Assumption Road, Baguio City noong March 3-5, 2017.

Siya ay si Efren Manalo Jr. na tumanggap ng Certificate of Recognition mula sa pamahalaang lungsod dahilan sa kanyang ipinakitang galing, tapang, talino at kakayahan sa pakikipagtungali laban sa pinakamahusay ding mga kinatawan ng mga national schools kung kayat napagtagumpayan niya ang hamong ito.

Ayon kay Manalo, may 17 national schools ang nag laban-laban sa nasabing kompetisyon. Mayroong apat na categories na pwedeng piliin kagaya ng Finance, Economic, Marketing at Management kung saan pinili niya ang Economics. Sinabi pa rin niya na nahirapan siya dahil siya ang pinakabata sa kanyang naging katunggali.

Sinabi naman ni Deborah Catilo, Prefect Discipline ng CLB at nagsilbing coach ni Manalo, na ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makamit ang pagka panalo. Aniya, pinatunayan nila na kayang kaya na nilang makipag sabayan sa lahat ng schools sa buong bansa.

Ang A-BEST ay binubuo ng mga samahan ng mga educators, students at institutions na engaged sa business education at may advocacy na mapalawak ang mahusay na entrepreneurship.(PIO Batangas City)