Mga bagong benepisyo handog ng Philhealth sa ika-22 anniversary celebration nito

  SCUAA1.jpg SCUAA2.jpg SCUAA3.jpg SCUAA4.jpg SCUAA5.jpg SCUAA6.jpg SCUAA7.jpg

Sa pagdiriwang ng Philhealth Insurance Corporation (Philhealth) ng ika-22 taong anibersaryo nito ngayong taon sa temang “Challenged by Change, Empowered by Unity ”, malugod nitong ipinababatid na mayroon itong mga bagong benepisyo sa mga members at stakeholders nito upang higit pang makapagbigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Sa press conference na idinaos sa Pontefino Hotel, ipinabatid ni Philhealth Regional Vice-President Paolo Johann Perez na nasa 93% na ang enroled sa Philhealth sa rehiyon subalit hindi aniya natatapos sa enrolment ang kanilang tungkulin. Patuloy aniya sila sa pagbibigay ng ibat-ibang benepisyo na angkop sa karamdaman ng kanilang mga myembro at pagsasakatuparan ng layunin nila na magkaroon ng universal access sa Philhealth ang lahat ng mga Filipino.

Nagpaabot din ng mensahe si Department of Health (DOH) Secretary Dr Paulyn Jean B. Rosell-Ubial kung saan ipinabatid niya na may nakalaang pondong P 3billion para sa National Health Budget upang makapagbigay ng quality medical care.

Ayon kay Dr Maria Josefina Gool, Division Head, Health Care Delivery and Management Division ng Philhealth Regional Office, mayroon nang medical detoxification package para sa mga drug dependents o substance abusers bilang suporta sa kampanya ng national government. Ito ay para sa mga nagbalik loob o nagbago na at nagnanais ng “healthy living”.

Mayroon na din ngayong Z benefit package para sa mga children with disabilities (CWD). Kabilang dito ang may hearing impairment, visual impairment, mobility impairment at developmental disability. Kabilang naman ito sa expanded national program for disabled persons ng DOH kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga CWDs na sumailalim sa ibat-ibang therapy services.

Ibinalita naman ng Division Head ng Fund Operation Division na si Cirilo Balmaceda na sa kauna-unahang pagkakataon ay isinama na sa curricula sa paaralan ang Social Health Insurance (SHI). Ito ay sa Sultan Kudarat Educational Institution (SKEI) kung saan naglagay ng module hinggil sa NHIP para sa mga midwifery students. Ang MOA sa pagitan ng Philhealth at SKEI ay nilagdaan noong April 14, 2014.

Naglunsad din ang Philhealth ng Interactive Voice Response System (IVRS) upang maging mas madali ang pagtugon sa mga katanungan ng publiko tungkol sa Philhealth services. Ito ay nag-ooperate 24 oras sa loob ng 7 araw. Ang numero nito ay (02) 441-7442 kung saan maaring magtanong tungkol sa membership, contribution status, claim benefits at maging ang Philhealth Identification Numbers at Philhealth Employment Numbers. Maaari din ditong magbigay ng feedback, suggestions at magdulog ng reklamo.Para naman sa mga smartphone users, maaaring magdownload ng Philhealth ACR (All Case Rates) Search mobile application para sa easy access sa ibat-ibang impormasyon sa Philhealth benefits. Ito ay libre at maaring idownload sa playstore. Maaari namang magsearch ang mga non-android users sa www.philhealth.gov.ph.

Idinagdag pa ni Philhealth Public Information Officer Ruth Macatangay na maaari nang magbayad ng buwanan ang mga informal economy members o yaong mga self-employed o voluntary. (PIO Batangas City).