Biogas digester para sa kitchen wastes pinopromote ng Brgy. Alangilan

  biogas1.jpg biogas2.jpg

Sinusubukan ng barangay Alangilan na gumamit ng biogas digester sa mga itinatapong kitchen wastes kagaya ng tirang pagkain at nabubulok na prutas at gulay sapagkat hindi lamang nababawasan ang mga nabubulok na basurang ito kundi pwede ring gamiting panggatong sa pagluluto ang gas na galing dito at bilang organic fertilizer. Bumili sila ng naturang equipment sa halagang P 7500 kung saan nagagamit ang gas na galing dito bilang panggatong sa stove kapag nagluluto.

Ayon kay Dr. Ma. Victoria Espaldon, head ng grupo ng mga guro, eksperto at syentipiko mula sa UPLB, best option ang pagtatayo ng biogas operation para sa maayos na solid waste management.

Isinagawa ang demonstration ng paggamit ng nasabing biogas noong ika-9 ng Pebrero sa barangay hall ng Alangilan sa opisyales ng barangay sa pangunguna ni Pang Guilbert Alea.

Ayon kay Kagawad Dennis Bocalan, pinaplano ng kanilang pamunuan na irequire ang mga commercial eateries sa kanilang barangay na gumamit ng biogas upang makatulong sa pangangasiwa sa problema sa basura.

Bukod sa pagluluto, maaari ding gamitin na pataba sa pananim ang produkto ng biogasul digester. (PIO Batangas City)