Civil Registration Month, Ipinagdiriwang ngayong Pebrero

  CRO1.jpg CRO2.jpg CRO3.jpg

Nagmotorcade ang City Civil Registrar(CCR) noong ika-3 ng Pebrero bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng City Civil Registration Month sa temang “Pilipinong Rehistrado, Matatag na Kinabukasan ay Sigurado”.

Patuloy na pinapalawak ng CCR ang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng civil registration at iba pang dapat malaman tungkol dito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng information campaign sa mga paaralan at barangay sa ilalim ng programang Kilusang 4K(Kaibigan,Kabalikat, Kaalam, Katuwang) at sa tulong ng media. Pinalalawak din nito ang kanilang libreng serbisyo sa pamamagitan ng mobile registration, mass wedding, legitimation ng anak ng mga hindi kasal, OPLAN Tala-Tama,at Oplan Kamalayan kung saan may kabuuang 3,882 birth certificates na nagkakahalaga ng P194,100.00 ang naipamigay ng libre noong 2016 sa mga Grade 1 enrollees.

Ibinalita ni Batangas City Civil Registrar Josie Maranan na ang lungsod ang magsisilbing host ng Convention ng mga civil registrars sa bansa sa April 25-27 na gaganapin sa Hotel Pontefino.

Muli din aniya silang magsasagawa ng Walk for a Cause para sa Lingap Pangarap ng mga Paslit Center sa February 8 sa Batangas City track oval. Ito ay lalahukan ng lahat ng empleyado ng kanilang tanggapan kasama ang mga kawani ng Philippine Statistics Authority at iba pa.

Isang Help Desk ang itatayo ng CRO sa February 18 sa SM City Batangas upang mag-entertain ng mga katanungan at magbigay serbisyo sa mga nagnanais kumuha ng birth, death at marriage certificate.(PIO Batangas City)