Paaralan at barangay tinututukan sa drug control campaign ng kapulisan

  campaign1.jpg campaign2.jpg campaign3.jpg

BATANGAS CITY- Tinututukan ngayon ng Batangas City Police ang pagsasagawa ng drug awareness and prevention campaign sa mga paaran at barangay katuwang ang Dept. of Education at city government bilang bahagi ng patuloy na pagsugpo sa sakit na ito ng lipunan.

Binisita ng Batangas PNP sa pangunguna ni PSI GLENDA RONQUILLO CLEOFE ng Police Community Relations ang Pedro S. Tolentino Memorial National High School sa Barangay Ilijan kung saan mahigit na 50 senior high students ang naging participants sa lecture.

Tinalakay sa naturang lecture kung ano ang droga, mga karaniwang inaabusong substance sa bansa tulad ng shabu, marijuana at alcohol, epekto ng droga sa isang tao, paano maiiwasan ang paggamit nito, mga kaparusahan at maaring kahantungan ng taong gumagamit ng droga.

Ayon kay Cleofe sumusuporta ang buong kapulisan sa administrasyon ni Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa layunin nilang masugpo ang droga at mapanatili ang katahimkan at kaayusan sa lungsod.

Nagbigay naman ng testimonial si Jun Garing isang recovering drug user kung paano niya tuluyang naiwasan ang drugs at ang mga naranasan niya habang siya ay gumagamit nito. (PIO Batangas City)