- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City kinilala bilang may Fully Functional CSWDO
- Details
- Tuesday, 31 January 2017 - 4:20:52 PM
Tumanggap ng pagkikilala ang Batangas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) bilang Fully Functional CSWDO ( Bronze) sa buong rehiyon mula sa DSWD Region IV-A dahil sa mataas na kalidad ng serbisyo, at mahusay na implementasyon ng mga programa nito sa lungsod.
Ang naturang pagkikila ay resulta ng masusing survey at assessment na isinagawa ng mga tauhan ng kagawaran sa rehiyon-4A noong nakaraang taon. Kabilang dito ay ang ocular inspection ng mga pasilidad, interview sa mga opisyal ng lungsod at ang pagre-review ng mga dokumento at rekords ng CSWDO. Nakakuha ng pangkalahatang puntos na 90% ang CSWDO mula sa apat na areas na naging sukatan ng mahusay na paglilingkod. Ito ay ang administration and organization, program management, case management, physical structures and safety.
Kabilang sa mga naging obserbasyon ng mga tauhan ng DSWD sa area ng administration and organization ay ang mga mahusay na pagkakabuo ng vision, mission at goals ng CSWDO na naka instala sa daanan na kaagad makikita ng mga kliyente. May mga nakahanda ring information-education materials at Citizen’s Charter tungkol sa mga programa at serbisyo para sa mga benepisyaryo, may nakalaang sapat na pondo para sa mga programa sa bawat sektor, dokumentado at transparent ang mga financial transactions, mahuhusay at kwalipikado sa kanilang posisyon ang mga empleyado ng CSWDO. Ang mga ito rin ay nakakasunod sa polisiya ng Human Resource Management ng pamahalaang lungsod at mga alituntunin n ng Civil service Commission (CSC).
Ilan sa mga binigyang puntos sa area ng program management ay ang mahusay na serbisyo at implementasyon ng mga programa sa mga bata at kabataan, kababaihan, may kapansanan senior citizens, family at community at sa mga internally displaced persons at pamilya. May maayos quarterly/semi-annual at annual accomplishment reports ng mga programa at gawain ng CSWDO at ang mga ito nakahanda at bukas sa publiko. Accredited ng DSWD ang senior citizens centers, lahat ng day care centers at day care workers sa lungsod.
Sa case management area ay nakita ng mga evaluators ang mabilis at epektibong paghawak ng mga social workers at community organizers sa mga kaso, maging indibidwal, pang pamilya o pang komunidad. May maayos din itong proseso, case study reports, treatment plans at case summary para sa mga kasong naresolba.
Mataas na puntos rin ang ibinigay ng mga evaluators sa physical structures and safety ng CSWDO dahil fully air-conditioned ang mga silid na pinagdarausan ng mga pang araw-araw na gawain, may internet access, fax machine at mobile phones ang mga kawani para sa mabilis na pakikipag ugnayan sa mga kliyente. Maganda at angkop ang pasilidad ng Bahay Pag-asa para sa counselling ng mga kliyente at mga pagpupulong, may mga first aid kit, kagamitan at pasilidad para sa mga emergency cases.
Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Mila Española “ malaking karangalan na kinilala ang CSWDO bilang Fully Functional CSWDO dahil bibihira ang LSWDO na nakakatanggap ng ganitong pagkilala.” (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.