Batangas City Police sinigurong ligtas ang New Year celebration sa lungsod

  Fireworks1.jpg Fireworks2.jpg Fireworks3.jpg Fireworks4.jpg Fireworks5.jpg

Binati ni Mayor Beverley Dimacuha ang Batangas City Police Station dahilan sa walang naitalang kaso ng aksidenteng dulot ng stray bullet, walang insidente ng karahasan at isa lamang minor firecracker injury sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Pinasalamatan din ng Mayor ang mga mamamayan ng lungsod sa kanilang ipinakitang disiplina at kooperasyon upang maging ligtas at mapayapa ang holiday season.

Ayon sa activity report ng Batangas City PNP, puspusan ang kanilang naging paghahanda para sa seguridad sa pagsalubong sa Bagong Taon. Nagkaroon sila ng massive information campaign kaugnay ng RA 7138 Firecrackers and Pyrotechnic Devices Law partikular ang probisyon nito sa paggawa at pagbebenta ng mga paputok. Bukod sa mga pamplets at iba pang information materials, nagsagawa rin ang mga tauhan ng pulisya ng public address system na umikot sa lahat ng barangay at matataong lugar upang maipaalam sa publiko ang batas na sumasakop sa paggamit ng paputok at ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang firecracker-related accidents.

Tiniyak rin ng kapulisan na ang mga nagtinda ay dumalo ng seminar at may kaulang permit at tanging sa Coliseum parking lot lamang pinayagan silang magtinda noong December 30 at 31. Siniguro rin nila na ang mga ligtas lamang na paputok o yaong pinapayagan ng batas ang ibenenta.

Nagkaroon ng regular monitoring ang mga kapulisan sa mga palengke at lahat ng barangay kung saan ilang residente ang nahuling nagbebenta ng paputok sa kanilang lugar kung kaya’t kinumpiska ang mga ilegal na panindang ito. (PIO Batangas City)