POPCOM, nagdaos ng Family Day para sa mga BSPOs

  BSPOs1.jpg BSPOs2.jpg BSPOs3.jpg BSPOs4.jpg BSPOs5.jpg

Nagsama sama para sa isang Grand Family Day ang mga Barangay Service Point Officers (BSPO) ng lungsod kasama ang kanilang mga pamilya noong ika-16 ng Disyembre sa Teachers Conference Center.

Naging guest speaker si Fr Elmer Ilao sa kanyang lecture na “A Truly Lived Spirituality Strengthens the Family” kung saan sinabi niya na ang pagkakaroon ng matibay na pamilya ay makakamtan sa pamamagitan ng “high level of respect and forgiveness without measure.”

Binanggit din niya ang limang mahahalagang elemento ng pagmamahalan o ang 5A’s of Love: acceptance, appreciation, affection, affirmation and approval.

“Create a better story/build a new story for your family” lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. “Gawing masaya ang mga malulungkot na karanasan,” sabi ni Fr Ilao.

Bilang pasasalamat at pagkilala naman sa mga nagawa ng mga BSPO retirees sa kanilang komunidad, ginawadan sila ng Pop Com Division ng City Health Office ng certificate of appreciation at cash incentive.

Isa sa mga ito ay si Teresita Bayeta, 65 taong gulang , mula sa barangay Ilijan. Siya ay may 34 na taon nang naging BSPO.

“Mahirap na masaya” aniya ang kanyang naging karanasan sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Dumalo din dito si Bokal Claudette Ambida kung saan ipinabatid niya na isa sa mga iminungkahi nila sa Sangguniang Panlalawigan ay ang pagbibigay ng karagdagang allowance at iba pang benepisyo sa mga volunteers tulad ng BSPOs, Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Daycare Workers (DCW). Aniya ito ay kanilang handog bilang pasasalamat sa walang sawang pagtulong ng mga health workers sa pangangalaga sa kalusugan ng mga residente ng barangay.

Nagkaroon din ng presentation at raffle para sa mga BSPOs. (PIO Batangas City)