Contractualization at iba pang Labor Issues, tinalakay sa Employer’s Forum

  Forum1.jpg Forum10.jpg Forum11.jpg Forum2.jpg Forum3.jpg Forum4.jpg Forum5.jpg Forum6.jpg Forum7.jpg Forum8.jpg Forum9.jpg

Nagsama sama ang humigit kumulang sa isandaang establisyimento, institusyon at kompanya sa lungsod para sa kauna-unahang Employer’s Forum na itinaguyod ng Public Employment Service Office (PESO) sa pakikipagtulungan sa Metro Batangas Business Club (MBBC) sa Malvar Tent ng Hotel Pontefino.

Layunin ng nasabing pagtitipon na magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ang business sector.

Nagkaroon ng talakayan kung saan ipinaliwanag ni PESO Manager Noel Silang ang tungkulin ng kanilang tanggapan at ang mga special services na ipinagkakaloob nito sa employers at sa mga job seekers o yaong employment facilitation. Hiningi din nila ang kooperasyon ng mga establisyimento sa pagsusumite ng mga ito ng monthly report hinggil sa kanilang employment status.

Tinalakay naman ni Business Permits and Licensing Officer (BPLO) Ditas Rivera ang Ordinance # 8 S.1994 o ang Act Providing Priority in Employment or Work to Qualified Barangay Residents on Businesses Established and Infrastructure Projects within the Territorial Jurisdiction of the Barangays within Batangas City and Providing Penalties for Violation thereof.

Binigyang linaw naman ng executive labor arbiter ng National Labor Relations Commission – Regional Arbitration branch IV at tumatayong presidente ng National Association of Labor Arbiters na si Atty. Generoso Santos ang labor laws, status of contractualization at end of contract.

Ayon sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha na ipinaabot sa pamamagitan ni LEIPO Administrative Officer IV Abby Abendan, lubos ang kanyang pasasalamat sa business sector sa suportang ipinagkakaloob ng mga ito sa mga initiatives at undertakings ng pamahalaang lungsod.

Sinabi naman nii MBBC President Bernard Mayo na umaasa siya na mas marami pang proyekto ang pagtutuwangan nila ng PESO kagaya ng job fair na kanilang naisagawa ng mga nakaraang taon.

Nagkaroon ng open forum kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga employers na makapagtanong kay Atty. Santos hinggil sa mga kinakaharap nilang isyu sa kanilang mga empleyado at sa mga benepisyong dapat ipagkaloob sa mga ito. (PIO Batangas City)