Problema sa droga at iba pang problema ng mga kabataan, tinalakay sa Youth Forum

  ASRH1.jpg ASRH2.jpg ASRH3.jpg ASRH4.jpg ASRH5.jpg ASRH6.jpg ASRH7.jpg ASRH8.jpg

Nagdaos ng Youth Forum ang Popcom Division ng City Health Office sa Natalia V. Ramos National High School (NAVERA) kung saan tinalakay sa may 200 grade 9 at 10 students ang mga problemang kinakaharap ng mga kabataan ngayon kagaya ng droga, teen pregnancy, HIV/AIDS at mga sexually transmitted infection.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan hinggil sa Adolescent Sexuality and Reproductive Health (ASRH).

Ipinaliwanag ni PCI Jose Naparato, deputy chief of police ng Batangas City PNP ang masamang maidudulot ng droga at ang mga paraan kung paano ito maiiwasan.

Ayon sa kanya, ang pangunahing dahilan kaya naliligaw ng landas ang mga kabataan ay problema sa magulang, peer at environment kung kayat pinayuhan niya ang mga ito na magkaroon ng bukas na komunikasyon at magandang relasyon sa pamilya. (PIO Batangas City)