Makulay na Pasko sa Bagong Palengke

  Market1.jpg Market10.jpg Market2.jpg Market3.jpg Market4.jpg Market5.jpg Market6.jpg Market7.jpg Market8.jpg Market9.jpg

BATANGAS CITY- Ramdam na ramdam ang kapaskuhan sa Don Julian Pastor Memorial Market o Bagong Palengke kung saan nagpabonggahan ang bawat section ng market vendors sa Christmas Decor contest gamit ang mga recycled materials.

Nanalo ng first place ang footwear section, second ang cooked food, third ang chicken at consolation prize ang egg section.

Ayon kay Nelson Aguila, executive assistant to the mayor, nagpapatunog din ng mga christmas songs sa palengke upang lalong madama ng mga mamimili ang spirit ng Pasko.

At bilang pamaskong handog, mayroong On- the- Spot Huli Ka! kung saan pipili ang Market Vendors Association ng 100 mamimili na makakatanggap ng sorpresang premyo na pang noche buena buhat kay Mayor Beverly Dimacuha at Cong. Marvey Marino. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City