Batangas City, humakot ng awards sa 2016 Inter-LGU at Inter-Town

  INTERLGU1.jpg INTERLGU2.jpg

Binigyan ng pagkilala ng pamahalaang lungsod ang mga koponan ng mga local players na nagwagi sa Inter-LGU Sports Competition 2016 at Inter Town 2016 na parehong itinaguyod ng pamahalaang lalawigan ng Batangas.

Nanguna rito ang Under 19 Basketball Team na naging kampeon kung saan tinanghal na Final’s MVP si Victor John Glenn Alarcon at Season’s Most Valuable Player (MVP) si Raphael Jose Chavez.

Nagsilbing coach ng grupo si Hilarion Tamayo Jr at Assistant Coach naman sina Phoebo Ansel Perez at Ed Buquis.

Kinilala rin ang mga kawaning bumuo sa Basketball Team at Volleyball Wlmen Team na parehong nagwagi ng second place sa Inter-LGU Sports Competition at tumanggap ng cash prize na P75,000.

Pinamunuan ni Coach Rodzen Ilustre at Assistant Coach Isaiah Mercado at Darius Catibog ang koponan ng lungsod sa basketball at Coach at PESO Manager Noel Silang at Assistant Coach Joebert Mendoza naman sa volleyball. (PIO Batangas City)