Personal Accident Insurance ng mga Community Disaster Volunteers (CDV), ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Batangas

  CDV1.jpg CDV10.jpg CDV11.jpg CDV12.jpg CDV2.jpg CDV3.jpg CDV4.jpg CDV5.jpg CDV6.jpg CDV7.jpg CDV8.jpg CDV9.jpg

Bilang pagpapahalaga sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga Community Disaster Volunteers(CDV) upang makapagligtas ng buhay sa oras ng kalamidad o anumang aksidente, pinagkalooban sila ng pamahalaang lungsod ng Personal Accident Insurance Card na personal na iniabot sa kanila ni Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño.

May kabuuang 1,796 na aktibong volunteers ang lungsod kung saan ang unang batch na may halos 500 miyembro ang tumanggap ng nasabing card sa Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon kay Arlene Allarey, representative ng Fortune Life Insurance, mula sa premium na P556.80 annually ay tatanggap ang volunteer ng P62,000 para sa personal accident, P4,650 naman ang ayuda para sa accidental medical reimbursement at mayroon ding burial assistance benefit na nagkakahalaga ng P6,200.

Sinabi rin niya na ‘maaari ding magkaroon ng beneficiary ang aktibong volunteer upang magamit din ito ng isa sa mahal niya sa buhay gaya ng asawa, anak, o magulang.’

Hanggang 65 years old lamang ang maaaring i-insure ng barangay. “Kung ang isang volunteer ay lumampas na sa 65 years old, 50% lamang ng mga benepisyo ang kaniyang makukuha. Pero tandaan natin na hanggang edad 75 lamang ang maximum age ng insurance holder,” dagdag pa ni Allarey.

Bukod sa Community Disaster Volunteers, aprubado rin para sa naturang insurance ang mga civic groups sa lungsod gaya ng Bantay Dagat, TREAT, Barangay Response and Emergency Assistance (BREA), Kabalikat Civicom, Batangas Chinese Chamber of Commerce, Adventist ACS, Malampaya NEST, Philippine National Red Cross at Boy Scouts of the Philippines.(PIO Batangas City)