Cavite nangunang winner sa mga naunang kompetisyon sa Regional Schools Press Conference

  RSPC1.jpg RSPC2.jpg RSPC3.jpg RSPC4.jpg RSPC5.jpg RSPC6.jpg RSPC7.jpg

Nasungkit ng Cavite Province ang mga awards para sa Most Outstanding Campus Journalists at Most Outstanding School Paper Advisers sa elementary at secondary divisions sa closing at awarding ceremonies ng Regional Schools Press Conference sa Batangas City ngayong araw na ito.

Hinirang na kampeon ang mga campus writers na sina Reign Razzyl Maey Abesia sa elementary at Angelica Onsana sa secondary habang ang mga best performers bilang school paper advisers ay sina Julie Ann Vertudez sa elementary at Marivic Cllimacosa sa secondary.

Naggagandahan at naglalakihang tropeo ang ipinagawa ng pamahalaang lungsod para sa mga winners sa iba’t ibang competition.

Sa kaniyang closing remarks, sinabi ni Dr. Erico Habijan, regional chief ng Curriculum Implementation Division , na “kailangang pumili ng magagaling na estudyante upang ilaban ng rehiyon para sa gaganaping National Schools Press Conference sa Enero 2017.”

“Kailangang ibalik natin ang karangalan sa CALABARZON dahil last year natalo tayo ng NCR na ating karibal. Ito ang hamon ko sa lahat ng teachers at advisers: magbigay pa kayo ng extrang effort para sa ikagagaling ng ating mga bata,” dagdag pa ni Habijan.

Sa ikalawang bahagi naman ng programa ilalahad ang mga nagwagi sa School Paper Category, individual categories, group categories at ang Best Performing Divisions.

Bukod sa Batangas City, kabilang sa mga delegadong lumahok sa RSPC CALABARZON ay ang Laguna Province, Lipa City, Lucena City, Quezon Province, Rizal Province, San Pablo City, Sta. Rosa City, Tayabas City, Tanauan City, Antipolo City, Batangas Province, Binan City, Bacoor City, Calamba City, Cavite Province, Dasmarinas City, Imus City at Cavite City.(PIO Batangas City)