- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kampanya ng pulis laban sa droga pinalawak sa Oplan Taphang
- Details
- Monday, 28 November 2016 - 4:23:07 PM
BATANGAS CITY -Pagkatapos ng oplan tokhang, nasa double barrel alpha program na ang Batangas City Police sa kampanya nito laban sa droga kung saan mas malawak ang operasyon nito sa pamamagitan ng pagbisita sa mga barangay, malls, kulungan, paaralan at iba pang lugar kung saan maraming tao.
Bahagi rin ng stage na ito ang oplan taphang na isang salitang Bisaya na tapo at hangyo na nangangahulugan ng “ipunin para magkaroon ng dayalogo”.
Nanumpa ng oath of commitment para sa double barrel alpha program ng kapulisan ang mga department heads ng pamahalaang lungsod. Ayon kay PCI Jose Naparato, Deputy Chief of Police ng Batangas City PNP, “kailangan ng kapulisan ng tulong ng lahat ng sektor ng lipunan upang linisin ang lungsod sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang droga ay threat sa peace and order kung kaya’t hinihiling naming ang panunumpa ng pagsuporta ng mga mamamayan na sumasailalim sa dayalogo upang mapa-igting ang kampanya laban sa droga na isa sa aming prayoridad.”
Sa kasalukuyan, 97% ng 1,337 na nasa kanilang watch list ang kanilang nabisita na.
“Kailangan ang whole nation approach sa pagtutulungan at kung gagampanan ng bawat isa ang kanilang papel upang makamit ang hangarin na drug-free Philippines,” dagdag pa ni Naparato. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.