batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
August 22, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Amor San Gabriel


Selyo ng Mabuting Pamamalakad, Isang Legacy ng Yumaong DILG Secretary

Iniisa isa ni City DILG Director Amor San Gabriel sa kanyang mensahe noong ika-22 ng Agosto sa Luksang Parangal kay Secretary Jesse M. Robredo ang ilan sa malalaking programa ng kalihim noong ito ay nabubuhay pa.

"Bakit kami nagluluksa sa DILG, bakit nagluluksa ang mga ahensya ng pamahalaan? Noong 2010 po lamang naitalaga si Secretary bilang DILG Secretary, pangalawang taon po lamang subalit siya ay nakapaglikha ng impact sa larangan ng pamamahala, " pahayag ni San Gabriel.

Ito ay ang paglulunsad ng Selyo ng Mabuting Pamamalakad ng bawat Local Government Unit (LGU) sa bansa. Kabilang sa criteria nito ay ang transparency at sincerity sa paglilingkod. Sa tala ay may 1,697 na LGUs o 99% ang tumatalima sa pagpapahayag ng lahat na transaksyong pinansyal ng gobyerno.

Tinanggap aniya ng lungsod ang naturang selyo ngayong 2012. Bukod sa karangalang ito ay nabiyayaan din ang Batangas City ng P35M para sa iba't ibang pagawaing bayan at karagdagang P3M para sa performance challenge fund. Aniya dahilan sa pagdami ng mga bayan na nagiging lungsod, nababawasan ang Internal Revenue Allotment o IRA. Kung kayat naisip ng yumaong kalihim na biyayaan ang mga LGUs na mahuhusay ang pamamalakad.

Sa talumpati na kanyang ipinahatid sa paggagawad ng Selyo ng Mabuting Pamamalakad noong ika-9 ng Marso sa pasinaya ng Batangas City Convention Center " ang nasa tama ang dapat may gantimpala at ang nasa di tama ay dapat ihabla".

Patuloy pa ni Robredo, "Ano ang ginagawa mo ayon sa batas, ano ang tamang asal. May mga bagay na tama na hindi legal, may mga legal na hindi tama. Dapat ang iiwan natin ay mas mahusay. Sana pag iniwan mo ang barangay, bayan o lungsod, dapat mas maunlad. At ano ang sukatan ng maunlad? Ito ay dapat nararamdaman, hindi dahil dumami ang negosyo ay tayo ay umunlad. Naramdaman ba ang pag-unlad ng bawat isa?

Madalas kong pinupuna, ang pamahalaan ay mukha ng pamayanan, ang dulo ng lahat, ay ang mamamayan, kayat ang tunay na yaman ng Batangas City ay ang kanyang mamamayan. Dahil ang Batangueno ang nananatili habang panahon. Tayo na naglilingkod sa pamahalaan ay maaaring mawala subalit ang pag-iisip ng mga tao na bumubuo ng isang bayan o lungsod ay naiiwan sa susunod na henerasyon, " pagbibigay pa ng yumaong kalihim sa kanyang prophetic na talumpati.

Kaugnay pa rin nito ani San Gabriel, nagsagawa rin ng pagsasaayos ng business permits and licensing system sa bureaucracy si Robredo upang makahikayat ng mga investors.

Ang pinakahuling innovation ay ang sana ay ilulunsad na Seal of Disaster Preparedness, sa mga natatanging mga lungsod, bayan at lalawigan na di na niya masasaksihan.

"Si Secretary Robredo ay nag-iwan ng lungkot o kurot sa puso sa kanyang paglisan, kahit isang simpleng kawani hanggang sa pinakamataas na opisyal ng lungsod dahilan sa kanyang magandang halimbawa ng paglilingkod at pamamalakad. Siya ay isang malaking kawalan sa ating bayan," pagtatapos pa ni San Gabriel. (Letty Chua, PIO Batangas City)
Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.