|
Kawan Holiday Plug
Humigit labing anim na probinsya at lungsod sa CALABARZON at MIMAROPA ang lalahok sa Regional BSP Kawan Holiday at Kab Olympics na isasagawa sa ika 7 at 8 ng Setyembre sa Lungsod ng Batangas.
Ayon kay Ramil S. Borbon, Field Scout Executive ng Boyscouts of the Philippines Batangas City Chapter, taong 2004 ng huling nag host ang Batangas City ng Regional BSP Kawan Holiday. Kung kaya lubusan ang kanilang paghahanda para sa okasyong ito. Aniya, nakikipag ugnayan na siya sa Batangas National High School upang pansamantalang maging tahanan ng humigit kumulang sa limang libong cab scouts sa rehiyon.
Sa September 7 ay isasagawa ang That's My Boy sa Batangas City Convention Center kung saan kakatawan sa ating lungsod si Angelo F. Baja ng Alangilan Central Elementary School. Magtatagisan naman ng talento sa Regional Kawan Holiday at Kab Olympics sa September 8.
Inaasahan na dadalo sa nasabing okasyon ang Director ng Boy Scouts of the Philippines na si Director Alfredo Pangilinan. (Alvin M. Remo, PIO Batangas City)
|