|
BJMP Anniversary
Ipinagdiwang ng Bureau of Jail Management and Penology Region IV-B MIMAROPA ang kanilang ika- 21 taon anibersaryo sa BATangas City na may temang "Nangangalaga at Gumagabay Tungo sa Matuwid na Buhay".
Dumalo dito ang mga opisyales at wardens mula sa mga bayan ng MIMAROPA at Region 1V.
Sa mensahe sinabi ni Jail Senior Supt. Linda F. Mingoa, Regional Director ng BJMP Region IV-B, MIMAROPA, layunin nila na maipatupad ang mga programang makakatulong sa mga bilango na kanilang inaalagan. Upang matulungan ang mga presong ito na magkaroon ng magandang kinabukasan pag laya nila, pinag-iibayo ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology ang pagbibigay ng edukasyon at skills training sa mga preso bilang paghahanda sa kanilang paglaya. Nagiging makabuluhan din ang kanilang pagtigil sa bilangguan sa pamamagitan ng mga gawaing ito.
Nakikipag-ugnayan sila sa Dep Ed para sa mga nais na makapag-aral at makatapos ng elementary o highschool sa ilalim ng alternative learning system at accreditation and equivalency test. Nakikipagtulungan din sila sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa skills training.
Hinangaan naman ni J/Supt Doris Remedios Dorigo, CESO V ng BJMP at guest speaker ng naturang selebrasyon si Mingoa dahil sa mahusay nitong pamamahala sa ibat-ibang jail sa rehiyon. Ayon sa kanya, malaking responsibilidad ang mamuno ng ibat-ibang bayan na binubuo ng mga bayan sa rehiyon IV-B at MIMAROPA.
Binigyan din ng awards ang mga na promote na jail officers at warden at ang mga napiling best city jails ng MIMAROPA.
Pinasalamatan naman ni Mingoa ang mga non- government organization, local government unit at ibang national government sa suportang ibinibigay sa kanila sa mga programang kanilang ibinibigay sa mga naka bilanggo. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)
|