|
Proper Hygeinic Seminar
Kapag bumibili ng karne, dapat siguraduhing ito ay sariwa at ligtas kainin. Kaya naman nagsagawa ng seminar ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) Livestock Division tungkol sa malinis na paghawak ng mga karneng ipinagbibili sa palengke at meatshops partikular yuong mga chilled, frozen at thawed.
Ipinaliwanag ni Dr. Mac Hornilla ng OCVAS sa mga meat vendors na lumahok sa seminar na kailangang isaalang alang nila ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga mamimili sa pamamagitan ng tamang paghawak ng karneng ibinibenta. Kailangang nakasuot sila ng apron, malilinis at walang kalawang ang mga gamit at naka gloves din upang maiwasan ang mga sakit na maaring makuha sa mga karne. Kailangan ding maganda ang bentilasyon o mahangin upang maiwasan ang pagpapawis ng magkakarne at huwag tumulo ang pawis sa karne.
Dapat din aniyang may tamang temperatura upang mapanatili ang magandang kalidad ng mga frozen, chilled at thawed meat. Ang chilled meat ay dapat mapanatili sa temperaturang higit sa 0°C o hanggang 10°, ang frozen ay hindi hihigit sa 0°C habang ang thawed meat ay dapat may temperaturang 5°C.
Kailangan ding dalhin ang mga pinalamig na meat products papuntang pamilihan sa mga refrigerated vehicles o insulated containers na mapapanatili ang required product temperature. Dapat ding malinis o nadi disinfect ang sasakyan at hindi dapat gamitin sa pagdadala ng mga buhay na hayop.
Sinabi rin ni Hornilla na ang mga karne sa palengke ay dumadaan sa inspection at kung meron mang walang tatak ng inspection, ang mga ito ay hindi kinatay sa slaughterhouse kung kayat ito ay kinukumpiska upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)
|