batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
August 01, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



BPC Writeshop


Bilang pagdiriwang sa ika-siyam na taong anibersaryo ng Batangas Press Club (BPC), isang workshop/writeshop ang isinagawa ng samahan noong ika-25 hanggang ika-26 ng Hulyo sa Summit Ridge Hotel sa Tagaytay City.

Layunin ng nabanggit na proyekto na magkaroon ng karagdagang kaalaman at matutunan ang mga bagong pamamaraan sa pamamahayag at mahasa ang angking husay at galing sa pagsusulat at broadcasting ng mga myembro nito.

Ang workshop na tinaguriang Convergence: The Medium is the Message ay joint endeavour ng BPC at ng Malampaya Deep Water to Gas Project.

Isa sa mga resource speakers si Luchie Aclan Arguelles, dating opinion editor ng Manila Bulletin, dating provincial editor ng Manila Times, dating lead researcher ng Philipine Daily Inquirer, dating PR consultant, isang book author at editor at iba pa. Ilan sa mga paksang kanyang tinalakay ay ang "Art of Communicating" at ang "The Newsroom".

Tinalakay naman ni Melo Acuna, former correspondent ng Manila Bulletin, former Station Manager, Radio Veritas, Station Manager, CBCP Online Radio, communications lecturer, government relation practitioner atbp. ang "Communications Definitions and Jargons" at ang "Media Relations and Networking."

Sa huling araw ng workshop ay nagkaroon ng Case Studies Presentation ang humigit kumulang sa 40 myembro ng BPC sa lalawigan.

Nakiisa sa naturang event sina Tony Nibrida, Media Relations Manager ng Pilipinas Shell Petroleum Inc., gayundin ang mga kinatawan nina Governor Vilma S. Recto, Batangas City Mayor Vilma A. Dimacuha at Calaca Mayor Naz Ona.

Samantala, tumanggap ng karangalan ang BPC mula sa Batangas Police Provincial Office noong ika-30 ng Hulyo sa Mass oathtaking at Pinning of Ranks ceremony na ginanap sa Camp Miguel Malvar.

Ito ay ipinagkaloob ng BPPO sa pangunguna ni Col/Atty. Rosauro V. Acio sa BPC bilang pagkilala sa suportang ipinagkakaloob ng grupo sa pagkakalat ng impormasyon sa publiko hinggil sa kanilang mga Police Community Relations projects.

Ang parangal ay tinanggap ng mga opisyales ng BPC sa pangunguna ng pangulo nito na si Sunstar People's Courier Editor Vicky A. Florendo. (Ronna Endaya Contreras, PIO Batangas City)
Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.