|
Approval of Trafficking
Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod noong July 2 ang Batangas City Anti-Trafficking Ordinance of 2012 upang mapalakas ang pagpapatupad ng batas laban sa human trafficking.
Ito ay alinsunod sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na naglalayong mapangalagaan ang dignidad at karapatan ng isang tao laban sa karahasan, pang-aabuso o exploitation sa trabahong di niya kagustuhan o sa ilegal na pagbebenta ng kanyang mga organs.
Nakasaad sa ordinansa na pinapahalagahan ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang maiwasan a g trafficking ng mga tao lalo na ang mga kababaihan at kabataan na kalimitang bumabagsak sa sexual explotaiton o prostitution.
Ipinag-uutos ng nasabing ordinansa ang pagbubuo ng Batangas City Anti Trafficking Ordinance na pamumunuan ng Mayor at bubuuin ng mga miyembro buhat sa public at private sectors. Tungkulin ng task force na pag-aralan at bigyan ng ngipin ang pagpapatupad ng batas laban sa human trafficking, maiwasan ang krimeng ito at mapangalagaan ang kapakanan at rehabilitasyon ng mga biktima ng trafficking.
Bilang isang port city kung saan pwede itong maging transit point para sa human trafficking, kumikilos ang pamahalaang lungsod upang maiwasan ang problemang ito na nagbibigay ng isang masamang imahe sa Pilipinas na may malaking bilang ng human trafficking at mahinang rate ng conviction ng mga kriminal na sangkot dito. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City)
|