batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
July 09, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Expired Goods


Nanawagan sina Konsehal Narciso Macarandang at Claudette Ambida sa publiko na tingnan ang expiration ng mga bibilhin nilang produkto upang maseguro na ang mga ito ay ligtas gamitin.

Sa kanyang privilege speech, ikinuwento ni Konsehal Macarandang ang kanyang naging karanasan sa isang kilalang mall sa Batangas City noong June 24 kung saan nakita niya na ang bibilhin niyang tea ay expired na noong June 6. Inereklamo niya ito sa isang staff at sinabing pwedeng managot ang kanilang manager dahilan sa ito ay isang kapabayaan.

Nagkomento naman si Ambida na nagkaroon din siya ng karanasan sa mga expired goods na ibinibenta sa ilang mga tindahan sa lungsod at ipinaalaala na mayroong siyang ginawang ordinansa upang maiwasan ang problemang ito, ang Ordinance Enforcing All Food and Business Establishments and Drugstores to Follow Strict Measures on Food and Drug Safety for the Health and Welfare of Consuming Public and Imposing Penalties for Violation Thereof and for other Purposes.

Ayon sa nasabing ordinansa, ang pagbebenta ng mga expired goods ay may kaparusahang multa na hindi bababa sa P2000 o hindi tataas sa P5000 o pagkabilanggo ng hindi kukulangin sa 10 araw ngunit hindi hihigit sa 30 araw o parehong kaparusahan ayon sa diskresyon ng korte.

Nanawagan ang dalawang konsehal sa City Health Office na tututukan ang pagpapatupad ng nasabing odinansa. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City)
Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.