|
VG & GE Trading Gawad Pasasalamat
Isang business establishment sa Batangas City ang binigyan ng Gawad Pasasalamat ng pamahalaang lungsod ng Batangas dahilan sa suportang ibinigay nito sa Batangas City Police Station sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang mountain bike na ginagamit sa pagpapatrol sa poblacion at malalapit na barangay.
Tinanggap ng may ari ng VC and GE TradingDiagnostic Inc. na si Von Ricardo Miguel Onkiatko III ang certificate of appreciation mula kay City Administrator Philip Baroja.
Ayon kay Police Superintendent Nicolas Torre III, malaking tulong ito sa kapulisan upang maisagawa nila ang kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lungsod. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)
|