batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 28, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Kalderetang Batangas 2012


Batangas City Idadaos sa July 19 sa People 's Quadrangle ang isa sa mga inaabangang gawain sa pagdiriwang ng Batangas City Foundation Day, ang "Pasiklaban ng Kalderetang Batangas".

Sa taong ito ay may dalawang dibisyon ang kumpetisyon. Isa ang Student Division para sa mga mag-aaral ng Hotel and Restaurant Management (HRM), Culinary Arts, at Home Economics sa buong Batangas kung saan ang bawat isang team ay may tatlong miyembro na kumakatawan sa kanilang paaralan. Ang pangalawa ay ang Professional Division na bukas sa lahat ng restaurants, catering services at kaparehong establisimiento sa lungsod ng Batangas kung saan ang bawat grupo ay bubuin rin ng tatlong miyembro. Pangunahing requirement dito ang mayor's permit.

Nakatakdang ipamahagi ng committee sa susunod na linggo ang mga sulat paanyaya kalakip ang guidelines at entry forms sa mga konsernadong business establishments sa lungsod at mga kolehiyo o unibersidad sa buong lalawigan.

Maglalabas din ang pamahalaang lungsod ng iba pang impormasyoon kaugnay nito. Ang mga interesadong lumahok ay maari ring makipag ugnayan sa Public Information Office.

Sa taong ito ay mga Batangueno mismo na eksperto sa pagluluto ang naimbitahang maging hurado sapagkat sila ang nakakaalam kung ano ang tunay na Kalderetang Batangas.

Katuwang ng pamahalang lungsod sa pagtataguyod ng Pasiklaban ng Kalderetang Batangas ang Silver Swan Manufacturing Company Inc. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.