batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 26, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Foundation Day 2012


Sa unang pagkakataon, magiging nasyonal ang sakop ng pagdiriwang ng 43rd Batangas City Foundation Day sa ika-23 ng Hulyo sapagkat iba't ibang sektor sa buong bansa ay inaanyayahang sumali sa Sublian Float Parade na isa sa mga tampok sa nasabing event.

Naglaan ang pamahalang lungsod ng Batangas ng P200.000.00 na premyo sa magwawagi ng unang gantimpala, P150,000.00 at P100,000.00 naman para sa pangalawa at pangatlong gantimpala.

Layunin ng nasabing kompetisyon na gawing higit na makulay at masaya sa taong ito ang Sublian Festival na siyang ginagawang sentro ng pagdiriwang ng anibersaryo ng lungsod upang mapanatiling buhay ang kultura at tradisyon ng mga Batangueno. Ito ay bukas sa lahat ng paaralan, opisina, pagawaan, barangay, organisasyon o samahan sa buong bansa at may temang "Sa Manlulupig di ka Pasisiil".

Magtatapatan din sa pagbibigay kasiyahan ang dalawang nangungunang television stations sa bansa - ang Kapuso Night sa July 20 tampok ang mga sikat na artista ng GMA habang ang Kapamilya Karavan naman ng ABS-CBN ay gaganapin sa ika-21 ng Hulyo. Kapwa gaganapin ang mga shows na ito sa Batangas City Sports Coliseum.

Pangungunahan naman ng award winning actor at bida ng top rating na teleseryeng "Walang Hanggan" na si Coco Martin ang Surf Flores de Bango sa Sports Coliseum pa rin sa July.

Sa July 21 din isasagawa ang Patimpalak Parangal kay Apolinario Mabini sa People's Quadrangle kung saan magpapagalingan ang mga paaralan sa pag-awit, pagsasayaw at iba pa.

At ang pinakamasarap na bahagi ay ang Pasiklaban ng Kalderetang Batangas sa July 19 sa People's Quadrangle kung saan muling matitikman ang pinakamasarap na luto ng sikat na pagkaing ito ng mga taga Batangas gamit ang karne ng kambing.

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo, magkakaroon ng Malunggayan Fiesta sa ikalawang pagkakataon sa ika-18 ng Hulyo.

Araw ng mga Kawani ng lungsod sa July 17 kung saan may katuwaa't palaro ng mga empleyado.

Magkakaroon ng Surf Flores De Bango sa Batangas City Sports Coliseum sa July 15.

Ang Palaro ng Lahi at Tupada sa Batangas City ay gaganapin sa Coliseum Grounds sa July 14 habang ang Pakitang Gilas sa Makabagong Sayaw naman ay gaganapin kinagabihan sa People's Quadrangle.

Pista ng Kalikasan naman sa July 13 kung saan nagsasamasama ang buong komunidad sa paglilinis sa kalye. Kasama ng gawaing ito ang Tagisan ng Kaalamang Pangkalikasan at Patimpalak Sabayang Pagbigkas ng Kodigo ng Kalikasan na lalahukan ng mga public at private schools sa elementary at highschool sa People's Quadrangle. Sa araw ding ito isasagawa ang Guhit ng Munti Para sa kalikasan sa Event Center ng SM City Batangas.

Sa People's Quadrangle naman gaganapin ang paglulunsad ng bagong bulaklak na gumamela na ipinangalan ng University of the Philippines Los Banos na siyang nakadiskubre ng bulaklak kay Mayor Vilma Dimacuha bilang pagkilala sa mga naging accomplishments ng Mayor lalo na sa environment. Ang naturang gumamela ay pinangalanang Hibiscus Rosa Sinensis Vilma Abaya Dimacuha.

Mula July 9 hanggang 13 ay magkakaroon ng OCVAS 6th Agro-Industrial Fair na may temang "Agrikulturang Masigla, Maunlad na Ekonomiya". Magdaraos din ng Harana sa Bahay ni Ka Tonying sa ika-8 ng Hulyo.

Sa July 7 isasagawa ang Papuon ng Lungsod ng Batangas sa People's Quadrangle na kinabibilangan ng Salubong sa mga Mahal na Patron, Rosario Cantada, Lua at Dalit at Te Deum.

At mula July 5 hanggang August 5 gaganapin ang Barakahan sa Bayan sa kalye Panganiban at Burgos sa poblacion.

Sa July 23 naman ipapakilala sa publiko sa si Ms Batangas City Foundation Day 2012 na si Bb. Shiela Marie Uy Tan pagkatapos ng Misa Pasasalamat, Panalanging Pampagkakaisa at Pangkapayapaan, Pagpupugay sa watawat at Pag-aalay ng Bulaklak.

Kaagad itong susundan ng Parada at Sublian sa Kalye, Lupakan, Awitan at Sayawan na isasagawa sa taong ito sa Patio ng Basilica ng Immaculada Concepcion.

Sa hapon naman ang Patimpalak Sublian sa Batangas sa People's Quad at ang paghahatid sa mga Mahal na Poong Sto Nino at Sta Cruz. (Ronna E. Contreras, PIO Batangas City)
Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.