batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 26, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Buntis Day - Buntis Henyo


Nagtipon tipon ang may 250 buntis sa People's Quadrangle ng Batangas City noong June 22 sa "Buntis Henyo, Malusog at Matalinong Pagbubuntis para kay Mommy at Baby" na isang programa ng City Health Office.

Tampok dito, ang "Buntis Henyo" na isang laro upang masubok ang kaalaman ng mga ina sa pangangalaga ng kanyang kalusugan at ng kanyang ipinagdadalantao. Naging tema nito ang mga tao, lugar at bagay na may kaugnayan sa pagbubuntis. May sampung pares ng mga buntis na kumakatawan sa kanilang unit at barangay ang lumahok dito. Naging kampeon sina Carmen Baledo ng Brgy.11 at May Ann Catilo ng Brgy. Pallocan; 2nd place sina Ana Marie Catilo at camerla Catilo ng Unit 6 at sina Lea Marasigan at Margie Cantos ng brgy. Libjo ang 3rd place winners.

Nagkaroon din ng lecture sa Danger Signs of Pregnancy na tinalakay ng obstetrician gynecologist na si Dr. Annie Luna Lacsamana. Itinuro niya ang dapat iwasan ng nagdadalantaong upang maseguro ang kalusugan niya at ng sanggol sa sinapupunan kagaya ng paninigarilyo, pag inom ng alak at pag inom ng gamot na hindi muna nagtanong sa doktor. Dapat din aniyang kumain ng mga masusustansya pagkain kagaya ng prutas at gulay at regular na magkonsulta sa mga duktor.

Sinabi rin ni Lacsamana na may mga nakatalagang doktor, midwife at ilan pang miyembro ng medical team mula sa Health Office sa iba't ibang barangay sa lungsod na pwedeng magpakonsulta ang isang nagdadalantao.

Tinalakay naman ni Dr. Pinky Balina, section chief ng Claims Division ng Philhealth, ang mga benepisyo ng isang miyembro sa ilalim ng Philhealth Maternal Package, tulad ng mga diskwento sa gamot at hospital o lying in clinic bills kung ito ay Philhealth accredited.

Ang Buntis Henyo program ay pinangasiwaan ng Nursing at Laboratory Divisions ng CHO sa pakikipagtulungan ng ilang pharmaceutical companies. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.