|
CLB Orientation
Patuloy na nagpapatupad ang Colegio ng Lungsod ng Batangas ng mga programang makakapagpataas ng standard ng Bachelor in Elementary Education nito upang maging "number one supplier" ng magagaling na guro sa Batangas City.
Sa isinagawang orientation ng CLB sa mga estudyante nito, sinabi ng ng Dean of Instructions na si Dr. Feliciana Adarlo na bagamat ang required units ng Commission on Higher Education para sa BEE ay 174 units, ginagawa itong 192 units ng CLB. Ito ay dahilan sa ang karagdagagang 18 units ay pinag-aaralan para sa area of specialization at para din makapagpatapos ng mga gurong generalists upang kahit anong subject ay pwede nilang ituro.
Aniya, hinahasa ng CLB ang competence na kanilang mga estudyante upang sila ay maging employable elementary teachers . Ito ay hindi lamang sa effective teaching at teaching methodologies kundi sa paghuhubog ng kanilang values at attitude . Higit sa lahat ay dapat din makapasa ang mga graduates sa Licensure Examination for Teachers o LET upang sila ay maging professional licensed teachers.
Patunay ng magandang bunga ng ginagawa ng CLB sa naturang kurso ay ang mataas na passing rate nito kumpara sa national passing rate at ang pagiging number one nito sa passing rate sa lahat ng mga universities at colleges sa Batangas City sa resulta ng LET nitong March 2012.
Ayon pa rin kay Adarlo, tutukan nila ngayon ang paghahanda upang makasama ang CLB sa top ten sa nasabing kurso.
Samantala, sinabi naman ni Maria Elena Boongaling, program head ng College of Business Administration, na ipinatutupad nila ang 600-manhour on-the-job training upang mapalawak ang skills at employability ng mga graduates. Ipapatupad aniya sa susunod na school year ang Service Management Specialization Track kung saan magkakaloob sila ng anim na elective subjects para sa pagsasanay na maging call center agents.
Ayon kay Boongaling, magiging thrust nila ang paghahanda ng mga estudyante sa inaasahang paglago pa ng mga business process outsourcing o call centers kung saan hahasain sila sa written at oral communication skills. Hinahanap aniya ng mga foreign employers ang mga Filipino workers dahilan sa kanilang husay sa pagsasalita ng English at pagiging masipag sa trabaho.
Bukod sa layuning matulungan ang kanilang mga graduates na magkaroon ng trabaho, sinasanay din sila upang maging negosyante sa hinaharap sa pamamagitan ng exposure sa mga entrepreneurial activities. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City)
|