batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 21, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Public Hearing on Proposed Anti Social Behavior Ordinance


Binigyang diin ni Konsehal Narciso Macarandang ang kahalagahan ng mga barangay officials sa pagpapatupad ng mga batas at ordinansa sa isinagawang public hearing sa kanyang panukalang ordinansang Anti-Social Behavior Ordinance.

Ang nasabing public hearing noong June 20 ay dinaluhan ng mga barangay captains, kagawad at mga barangay tanod.

Ayon kay Macarandang, sinasabi ng Local Government Code na ang mga barangay captains at Sangguniang Barangay kagawad ay mga "persons in authority " pagdating sa pagpapatupad ng mga batas partikular sa pananatili ng katahimikan at kaayusan habang ang mga barangay tanod ay "agents of person in authority" o "law enforcement officer".

Binanggit ng konsehal ang mga tungkulin ng isang barangay tanod kagaya ng pananatili ng peace and order, pag roronda o patrolya, pag re report sa mga barangay officials ng mga insidente o pangyayari sa barangay, pagtulong sa pagpapatupad ng Fire Code of the Philippines at pagtulong kung may sunog, pagtulong sa trapiko, pag alam sa mga bagay na pwedeng pagmulan ng sakuna o sunog at pagsunod sa mga ipinag uutos ng barangay captain.

Ayon pa rin sa kanya, ang direct o indirect assault o karahasan sa mga barangay officials ay may kaukulang kaparusahan na pagkabilanggo mula anim hanggang apat at dalawang buwan o multa mula P500-P1000 habang ang hindi pagsunod o pagsuway sa kanila ay may kaparusahan ding pagkabilanggo ng 30 araw at multang P100.

Ipinaalam din ni Macarandang kung kailan valid o hindi valid ang isang pag-aresto sa mga lumalabag sa batas. Dapat aniyang alam ng isang barangay official kung ano ang dapat gawin kapag nang aaresto.

Ipinaliwanag ni Macarandang ang mga nilalaman ng nasabing panukalang ordinansa na ayon sa kanya ay binalangkas niya base sa mga kalimitang reklamo ng mga mamayan at sa kanyang mga karanasan sa pang araw araw na buhay. Bukas aniya siya sa mga rekomendasyon na pwedeng i amenda o isama sa panukalang batas na ito upang higit itong maging kapakipakinabang sa mga taga lungsod. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City)
Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.