batangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangasbatangas
| | | | |
  
MESSAGE FROM THE MAYOR  
MISSION & VISION  
NEWS & EVENTS  
Press Release  
LOCAL GOVERNMENT  
MAP OF BATANGAS  
DIRECTORIES  
CONTACT US  
SEPPP  
(Socio Economic Physical   
& Political Profile)
   
PRESS RELEASE
June 20, 2012, 2012

Public Information Office
(043) 723 2344



Streamlining BPLS


NAGSAGAWA ang Project Invest ng USAID ng self-assessment workshop sa mga hepe ng departamento ng pamahalaang lokal ng Batangas noong ika-20 hanggang ika-21 ng Hunyo. Tinalakay dito ang mga proseso sa pagkuha ng business permits na maaaring mas paikliin pa para lalong makahikayat ng mga mamumuhunan sa lungsod.

Nauna rito nagsagawa ng tatlong araw na benchmarking ang Business Permits and Licenses Office, Environment and Natural Resources Office, Bureau of Fire Protection, City Engineer's Office, City Health Office at iba pang opisina sa mga ciudad sa Metro Manila tulad ng Valenzuela, Muntinlupa at Makati.

Tinalakay ni Ms. Deeda Gonzales, BPLS Strategist ang mga process indicators sa pagkuha ng permit tulad ng steps, length of time elapsed, signatories at forms na ginagamit. Ang isang araw na proseso ay maaaring gawing kalahating araw na lamang. Inaasahan na bukod sa mapapaikli ang proseso ng pagkuha ng permit sa pagnenegosyo maging ito ay bago at magre-renew, magkakaroon din ng pagpapatupad ng action planning na isinumite at pinagkasunduan ng mga opisina sa naturang workshop.

Dumalo sa naturang gawain ang Punong Lungsod Vilma Abaya Dimacuha. Ayon kay Mayor Dimacuha, nagagalak siya at napili ng USAID ang lungsod ng Batangas na mabigyan ng technical assistance sa larangan ng paghikayat ng mga negosyante na maglagak ng kapital. Ito aniya ang magbibigay ng oportunidad sa mga taga lungsod na wala pang mapagkikitaan. Nagpasalamat din siya sa kooperasyon ng mga department heads at mga national agencies na katuwang ng proyektong ito.

Isa sa mga ahensya ay ang Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay Mr. Ruel Gonzales, Provincial Director, napapanahon ang Project Invest dahil kailangan na magsimula na ang operasyon ng Phase II ng Batangas International Port. Aniya magsilbi sana itong mitsa ng patuloy na pagpasok ng kapital sa CALABARZON. Sa buong mundo, nasa ika-80 puesto ang Pilipinas sa pagiging globally competitive kung kayat ayon sa kanya, sa proyekto ng USAID sa Batangas City, umaasa siya na lalago ang negosyo na magbibigay ng mas maraming trabaho sa mga Batangueno.

"At DTI, the government should be an enabler and not a hindrance. At dito sa Batangas City, sa pamumuno ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha, she is taking the great challenge," dagdag pa ni Gonzales.

Sa buong Pilipinas, tatlo lamang siudad ang nabigyan ng Project Invest o technical assistance ng USAID. Bukod sa Batangas City, ito ay ang Iloilo sa Visayas at Cagayan de Oro City sa Mindanao.

Samantala nagsilbing resource speakers at facilitators ang taga USAID Project Invest na sina Ofelia Templo,. Chief of Party, Jed Tabamo, City Program Adviser at Noel Macalalad, Business Process Expert. (Letty Chua, PIO Batangas City)

Copyright © 2011 - 2012 batangascity.gov.ph. All rights reserved.   
Best viewed using Firefox Browser.